NEWS UPDATES

Bahay nasunog sa bayan ng Makilala, North Cotabato; kagabi

(Makilala, North Cotabato/April 25, 2012) ---Isang bahay ang natupok ng apoy sa Barangay Saguing, Makilala, North Cotabato dakong alas 7:30 kagabi.

Ang nasabing tirahan ay pag-mamay-ari ng isang Maria Teresa Cerwelos.

Ayon kay rescue volunteer Kidapawan City Emergency Response Unit (KidCERU) Jefferson Villareal Revilla, nagsimula umano ang apoy sa kwarto ni Cerwelos.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Makilala PNP lumalabas na ang naiwanang kandila sa altar ang dahilan ng sunog.

Unang nakarating sa pinangyarihan ng insedente ang mga rescue volunteers mula sa KidCeru at ang Philippine Red Cross North Cotabato chapter para magsagawa ng rescue.

Wala namang may napaulat na nasaktan sa nasabing sunog.

Hindi pa mabatid kung magkano ang kabuuang halaga ng danyos sa nasabing sunog.

Ang sunog na nangyari sa Makilala ay ikalawang kaso sa North Cotabato.

Ang una ay dito sa Kabacan makaraang nilamon ng apoy ang Pin-pin enterprises at iba pang mga pamamahay dakong alas 7:40 nitong Lunes.

Naganap ang insedente kungsaan nakakranas ng walong oras na rotational brown-out ang North Cotabato.

Sinabi naman ni Kabacan Senior Fire Marshall Ibrahim Guiamalon na possible ngayong araw ilalabas nila ang initial na resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa totoong dahilan ng sunog sa Pin-pin establishment. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento