NEWS UPDATES

Dalagita nagpakamatay sa Kabacan sa pamamagitan ng pag-inom ng lason

(Kabacan, North Cotabato/April 24, 2012) ---Nagpakamatay ang isang katorse anyos na dalagita sa pamamagitan ng pag-inom ng lason kamakalawa sa brgy. Malanduage, Kabacan, Cotabato.

Batay sa impormasyong nakuha ng DXVL News mula sa isang pinagkakatiwalaang source, sinasabing problema umano sa lovelife ang sanhi kung bakit nagpakamatay ang nasabing dalagita na di naman pinangalanan sa report.


Ang nasabing minor de edad ay mabilis namang isinugod sa USM Hospital pero din a nito kinaya ang pagkalat ng lason sa katawan nito na nagging sanhi ng kanyang kamatayan. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento