NEWS UPDATES

2 katao arestado dahil sa magkahilaway na kaso ng rape at pagnanakaw sa North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/April 24, 2012) ---Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato ang dalawang mga personahe na nahaharap sa kasong pagnanakaw at rape sa bayan ng Makilala alas 4:00 ng madaling araw kanina.

Inaresto ng CIDT operatives, sa tulong ng mga sibilyan sa lugar si Julius Lumanit, 35, driver ng service vehicle ng Dole-Stanfilco sa Poblacion, Makilala.


Ayon kay CIDT-North Cotabato provincial director, Chief Insp. Elmer Guevarra, agad na nagsagawa sila  ng surveillance at close monitoring sa nasabing suspek matapos matanggap nila ang warrant of arrest na inisyu ng Makilala court laban kay Lumanit.

Sinabi ni Guevarra na ang kanyang mga tauhan ay nasa erya na ilang minute pagdating ng suspek buhay sa kanyang araw-araw na Gawain sa nasabing kompanya.

Di naman nakapalag ang suspek ng arestuhin ng mga operatiba ng CIDT.

Sa kabila nito, tinukoy naman ni Lumanit ang isang Edris Cris Itol na siyang pangunahing suspek sa panggagahasa noong taong 2009.

Ilang oras matapos maaresto si Lumanit, nahuli din nila ang isang akusado sa pagnanakaw at grave coercion sa Sandawa Homes, Barangay Singao, lungsod ng Kidapawan.

Sa ngayon kapwa naka destino ang dalawa sa headquarters ng CIDT. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento