Kinilala ang napatay na si Eulogio
Inutan Monsalaud, 19, habang sugatan ang 29-taong gulang na si Rodel Calambroso
Butil, kapwa mga residente ng Barangay Sikitan, Kidapawan City.
Ayon sa report ni Sr. Insp. Sunny
Leoncito, hepe ng anti-vice and investigation division ng Kidapawan City PNP,
namatay si Monsalaud habang ginagamot sa Kidapawan Doctors Hospital sa lungsod,
habang nananatili sa naturang ospital si Butil.
Ayon kay Leoncito, kalalabas lang ng
Monrose Videoke Bar ang mga biktima nang abangan ng mga suspect sa isang bahagi
ng Osmena Drive ng lungsod.
Walang kaabug-abog na sila’y binugbog
at sinaksak.
Duda ang mga pulis na nagtalo na ang
mga biktima at mga suspect habang nasa loob ng videoke bar.
Sa ngayon subject for manhunt ng mga
pulisya ang mga suspetsado
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento