NEWS UPDATES

Boy Scouts ng ULS-USM, kampeon sa BSP 41st Council Jamboree

(Kabacan, North Cotabato/ December 3, 2015) ---Muling na depensahan ng Boy Scouts ng University Laboratory School ng University of Southern Mindanao buhat sa bayan ng Kabacan ang kanilang titulo ngayong taon.

Batay sa ulat, muling nakamit ng pangkat ng ULS Boy Scouts ang Over-all Champion at tinaguriang GRAND SLAM sa katatapos lang na 41st Council Jamboree sa Camp Bulatukan, Makilala, Cotabato.


Namayagpag ang nasabing koponan sa iba’t-ibang patimpalak kungsaan itinanghal na 1st place sa mga sumusunod: Quiz bee, Slogan, scout law relay, compass relay, knot tying, bandaging, choral, modern dance, sub-camp talent o rama, Senior Camp Chief, Fancy Drill at naging best camp din sila.

Maliban dito, nakuha din nila ang ikalawang pwesto sa acoustic, fire building & water boiling, cheerdance, grand camp, Formal Drill 3rd at 12x most discipline.

Tinalo ng ULS-USM ang mga naging katunggali na mahigit 40 Secondary Schools sa North Cotabato.

Naiuwi ng Pigcawayan National High School ang pangatlong pwesto n may 280 pts, Tulunan National High school ang Pangawalang pwesto na may 385 pts at ang ULS-USM na may 490pts.

Matatandaan na naiuwi rin ng ULS-USM ang 6th place sa Fancy Drill sa National Jamboree na ginanap sa Tagum City.

Nakasentro ang aktibidad sa temang “Peace and Development through Scouting”. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento