NEWS UPDATES

Suspected Bomber, timbog sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ November 22, 2015) ---Arestado ng mga otoridad sa Kidapawan City ang isang suspected bomber sa inilatag na highway check ng Kidapawan City PNP sa bahagi ng Balindog, Kidapawan city ala 1:30 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni Supt. John Meridel Calinga, hepe ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Mark Garde Villamor, 35, residente ng Poblacion, Matalam, North Cotabato.

Batay sa ulat, lulan ang suspek sa kanyang motorsiklo ng ma-flag down ng mga pulisya habang ipinapatupad ang “Oplan Lambat Bitag Sasakyan” sa National Highway.

Narekober mula sa suspek ang isang granada na nakasilid sa kanyang ‘sling bag’.

Sa ngayon kalaboso ang suspek habang inihahanda na ang kaosng kakaharapin nito.


Nagsasagawa na ngayon ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad kung ang suspek ay kasapi ng mga lawless group na responsable sa panghahagis ng granada sa bayan ng Kabacan at nangyaring pagpapasabog ng Van sa Davao City. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento