NEWS UPDATES

Planning Officer ng CFCST, nasa 'stable' na kalagayan na matapos tambangan sa Pres. Roxas, NCot

(Pres. Roxas, North Cotabato/ November 21, 2015) ---Sugatan ang Planning Officer ng Cotabato Foundation College of Science and Technology makaraang pagbabarilin sa Sitio Upper Ipuan, Poblacion, Pres. Roxas, North Cotabato alas 8:00 kaninang umaga.

Sa impormasyon na nakalap ng DXVL News kinilala ang biktima na si Dr. Cedric Mantawil, dating councilor ng Kabacan at head ng MDRRMC.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang Honda city pauwi dito sa bayan ng Kabacan ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek na sinasabing mga riding criminals.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kaliwang kamay si Mantawil na mabilis namang isinugod sa bahay pagamutan.

Sa pinakahuling impormasyong nakalap ng DXVL News nasa ‘stable’ na kondisyon na si Dr. Mantawil na ngayon ay ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pamamaril habang tinutugis ang mga suspek na responsible sa nasabing pamamaril at inaalam pa ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento