NEWS UPDATES

Panibagong insidente ng nakaw ng motorsiklo, naitala ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Tinangay ng mga di pa nakikilalang mga suspek ang isang motorsiklo sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. Pedtad, Kabacan, Cotabato kahapon ng madaling araw.

Dumulog sa Kabacan PNP ang biktimang si Dondon Mohammad Kaup, 32- anyos, residente ng nasabing lugar kungsaan napansin nitong nawawala na ang kanyang motorsiklo bandang alas 4:00 ng madaling araw kahapon.

Ang nasabing motorsiklo ay isang Honda XRM, kulay itim na may plakang MO 3591.

Ang nasabing sasakyan ay naka-garahe pa mismo sa loob ng bahay nila.

Kasalukuyan pa ring inaalam ng mga awtoridad kung sino ang responsable sa nasabing nakawan. USM Devcom Intern Datu Tanz Piang Jr.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento