NEWS UPDATES

Pagsulputan ng mga Bote Takal sa bayan ng Kabacan, kinuwestiyon!

(Kabacan, North Cotabato/ November 4, 2015) ---Kinuwestiyon ng ilang mga kumpanya ng langis na nag-ooperate sa bayan ng Kabacan ang pagsulputan ng bote Takal sa bayan.

Ito ang ipinarating na reklamo ng mga big oil players sa pamunuan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kungsaan nabigyan din ng kopya ang Bureau of Fire Protection Kabacan.

Aminado naman si FSI Ibrahim Guiamalon na walang business permit at hindi din sila naka-pag-bigay ng fire permit sa mga nagtitinda ng gasolina sa mga bote takal.

Ayon kasi sa report, mas maraming mga motorista ang nahihikayat na sa mga bote takal magpagasolina dahil nga sa mas mura ito.


Dahil dito, ipinauubaya naman ni Guiamalon sa pamunuan ni Mayor Guzman kung anung hakbang ang gagawin dito kasi may malaking capital din ang kinakalingan para sa bote takal na negosyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento