NEWS UPDATES

Mahigit 100 mga sasakayan, huli sa sinagawang lambat bitag sa bayan ng Mlang

(Mlang, North Cotabato/ November 16, 2015) ---Nasa 146 na mga sasakyan karamihan ay mga motorsiklo ang nahuli ng mga kapulisan sa inilatag nilang Oplan Lambat Bitag sasakyan sa bayan ng Mlang, North Cotabato nitong Sabado.

Nanguna mismo sa nasabing operasyon si P/SSupt. Alexander Tagum, ang Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO.

Ayon sa opisyal ang nasabing operasyon ay bahagi ng kanilang kampanya hinggil sa anti-carnapping sa lalawigan.


Karamihan sa mga naka-impound an motorsiklo ay wala at expired ang CR/OR, walang driver’s license, walang helmet at iba pang mga bayulasyon. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento