NEWS UPDATES

Extortion, isa sa mg anggulong sinusundan ng mga otoridad sa panibagong pagpapasabog sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2015) ---Extortion ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga pulisya sa panibagong pagpapasabog sa bayan ng Kabacan alas 6:30 ng gabi noong Sabado.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP habang patuloy pa nilang iniimbestigahan ang pangyayari.

Ayon sa opisyal, noong nakaraang taon ay doon din inilagay ang Improvised Explosive Device o IED kungsaan na disrupt at natamaan ang dalawang biktima.

Posible umanong target sa nasabing panghahagis ng granada ay ang LPG Gasul station na pag-mamay-ari ni Kabacan Water District General Manager Ferdie Mar Balungay.

Ayon kay Cordero, ang mga modus operandi kasi ng mga suspek sa ngayon ay naiiba.

Aniya, gagawa muna ng karahasan ang mga suspek bago magbibigay ng sulat.


Pero nilinaw ng opisyal na isa lamang ito sa mga anggulong sinusundan nila sa pagpanghahagis ng granada na ikinasugat ng limang mga biktima kungsaan tatlo sa mga biktima ay nakalabas na ng ospital habang nasa maayos namang kondisyon ang dalawang iba pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento