NEWS UPDATES

Empleyado ng Pres. Roxas LGU, patay sa pamamaril

(North Cotabato/ November 26, 2015) ---Patay ang isang kawani ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng President Roxas makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Brgy. Labuo ng nabanggit na bayan mag-aalas 8:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Romy Duot CastaƱares, hepe ng President Roxas PNP ang biktima na si Antonio Cuaresma Doton, 52-anyos, may asawa at Municipal Agriculturist 1.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang Yamaha 125 motorcycle na may license number MC 18371 buhat sa Kidapawan City at papasok na sa trabaho sa nasabing bayan ng paslangin.

Patay on the spot ang biktima makaraang magtamo ng tama ng bala mula sa kalibre .45 na pistol sa kanyang dibdib na tumagos pa sa likod nito.


Tinutugis na ng mga otoridad ang mga responsable sa nasabing krimen at inaalam ang motibo sa nasabing pamamaril. USM DevCom Intern Nhor Bantas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento