NEWS UPDATES

Bus Vs. Motorsiklo; panaderong drayber patay

(Kidapawan City/ November 3, 2015) ---Patay ang isang panadero matapos masangkot sa aksidente sa National Highway partikular sa bahagi ng East Patadon, Kidapawan city kahapon ng hapon.

Kinilala ng PNP ang biktima na si Margarito Rojas Amigos, may asawa na taga Barangay Marbel, Matalam, North Cotabato.

Ayon sa report ng Kidapawan City PNP Traffic Section, minamaneho ni Amigos ang kanyang XRM 125 motorcycle na may license plate MN 2871 patungong Cotabato Area nang mag overtake ito sa isang pick up truck pero sumabit ito sa kaliwang bahagi ng sasakyan dahilan para mawalan ito ng kontrol at bumangga ito sa kasalubong na Mindanao Star Bus na patungong Davao City na minamaneho naman ng isang Allan Pagasiat Tenizo, 40 anyos, na taga South Mawangan, Pigcawayan, North Cotabato.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga patay agad ang biktima habang wala namang nasugatan sa mga pasahero ng bus.


Iniimbestigahan na ang nasabing insidente.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento