NEWS UPDATES

9 na Barangay sa Kabacan, Benepisyaryo ng Artificial Insemination ng PCC-USM

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2015) ---Siyam na barangay sa bayan ng Kabacan ang naging benepisyaryo ng artificial insemination ng Philippine Carabao Center (PCC) na kung saan kasalukuyang isinasagawa sa taong ito.

Ito ayon kay PCC Director Benjamin Basilio sa panayam ng DXVL News kung saan 85 mga kalabaw ang isinailalim sa Artificial Insemination.

Kabilang sa mga barangay na ito ay ang mag sumusunod: Brgy. Upper Paatan, Katidtuan, Sanggadong, Dagupan, Bangilan, Bannawag, Kayaga, Pedtad at Aringay.

Ayon sa opisyal, isinasagawa ang artificial insemination sa mga kalabaw sapagkat nagkukulang ang gatas na ginagamit sa paggawa ng Choco milk at iba pang mga produkto buhat dito.

Napag-alaman na malaking porsiento pa ng produkto ng gatas ng bansa ay ina-angkat pa.

Dahil sa nasabing programa, malaking tulong ito upang matugunan ang malaking bilang ng kakulangan ng gatas  sa bansa, ayon pa kay Basilio.

Makakatulong din ito sa mga interesadong magsasaka sapagkat hindi lang ito magtatarabaho sa palayan kundi magbibigay pa ito ng gatas.


Iminungkahi din ni Basilio na mag allocate ng fund ang mga local government, provincial level, regional level para sa pag-aalaga ng Kalabaw. Rhoderick BeƱez with reports from USM Devcom Intern Nhor Bantas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento