NEWS UPDATES

Tulak Droga, arestado ng Aleosan PNP

(Aleosan, North Cotabato/ October 11, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 36-anyos na tulak droga makaraang mahuli ng mga otoridad sa pamamagitan ng drug buy bust operation sa Brgy. Sta. Cruz, Aleosan, North Cotabato, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni PCI Arniel Cagud Melocotones, hepe ng Aleosan PNP ang suspek na si Alvin Deniega, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng shabu, pera at ilang mga illegal paraphernalia’s.

Ang suspek ay isa sa mga nasa top 10 watch list ng Aleosan PNP.


Kakaharapin ng suspek ang kaosng paglabag sa RA 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento