NEWS UPDATES

Tricycle drayber, biktima ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2015) ---Isinugod sa bahay pagamutan ang isang tricycle drayber makaraang mabiktima ng panibagong pamamaril sa bahagi ng Matalam St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato mag-aalas 4:00 ng hapon kanina.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Abdulbasit Delangalen Maganaka, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Lower  Paatan ng bayang ito.

Batay sa ulat, lulan ang biktima ng kanyang minamanehong tricycle kasama ang dalawa nitong pasahero ng pagbabarilin ng nakabuntot na mga suspek.

Sa tiyan at paa tinamaan ang biktima na mabilis na isinugod sa bahay pagamutan.

Ayon sa mga saksi, nakitang sakay sa Bajaj na motorsiklo ang mga riding criminals.

Narekober ang ilang mga bala ng kalibre .45 na pistol na ginamit ng mga suspek sa pagbaril.

Personal grudge ang tinitingnang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento