NEWS UPDATES

Magsasaka, patay sa riding criminals

(North Cotabato/ October 16, 2015) ----Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 48-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng riding tandem criminals sa bahagi ng Abellera St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas 7:10 kanina.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Felipe Quilas Jr., 48-anyos, may asawa at residente ng Quirino St., Brgy. Osias ng nabanggit na bayan.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang kulay itim na Honda beat Motorcycle (for Registration) mula sa Brgy. Aringay at sinundan ng riding criminals na lulan ng Kawasaki 125 motorcycle at pagdating sa nabanggit na lugar ay pinagbabaril ito.


Sa panayam ng DXVL News kay Cordero sinabi nitong kalibre .45 na pistol ang ginamit sa nasabing pamamaril batay sa narekober na bala sa crime scene.

Sa likod tinira ang biktima kungsaan tumagos ang bala sa likod nito na naging dahilan naman ng agaran nitong kamatayan.

Naisugod pa si Quilas sa bahay pagamutan pero di na ito umabot pa ng buhay.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.


Ikinasa naman ng mga kapulisan ang dragnet operation laban sa mga suspek upang malaman ang motibo sa nasabing pamamaril at mapanagot ang mga responsable sa nasabing krimen. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento