NEWS UPDATES

Magsasaka, patay matapos paulanan ng bala sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ October 11, 2015) ---Pinabulagta ng di pa nakilalang suspek ang isang magsasaka sa nangyaring pamamaril sa Purok Islam, Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 5:40 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Pian Dimaagos Andug ‘aka’ Datu Saging nasa hustong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Natutungan, Matalam, Cotabato.

Batay sa ulat, habang naglalakad ang biktima papunta sana ng National Highway at pagdating nitong sa harap ng Gumaga residence ay pinagbabaril ng di pa nakilalang suspek ng ilang beses.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima sa ulo at sa likod nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon kay SPO2 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, narekober sa crime scene ang pitong bala ng ginamit na baril na kalibre .45 na pistol.


Blanko pa ang Matalam PNP kung anu ang motibo sa nasabing krimen habang patuloy pang tinutugis ng mga kapulisan ang suspek. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento