NEWS UPDATES

Islamic New Year, ipagdiriwang Bukas

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 13, 2015) ---Ipagdiriwang ng mga kapatid na Muslim ang Amon Jadeed o ang Islamic New Year bukas, (October 14, 2015).

Ang selebrasyon ay batay sa deklarasyon ng pamahalaan na isang National Holiday ang nasabing petsa batay sa P.D. 1083 na mas kilala sa tawag na ‘Code of Muslim Personal Laws in the Philippines’.

Kaugnay nito, naglabas ngayon ng deriktiba si USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang sa pamamagitan ng kalatas na nilagdaan ni Director for Instruction Abubakar Murray na ilipat ang araw ng pagsusulit ng USM sa nasabing araw.

Ibigsabihin nito, ang exam na ibibigay bukas ay ililipat sa araw ng Lunes October 19, 2015.

Ito para bigyan ng pagkakataon ang mga kapatid na Muslim na ipagdiwang ang Islamic New Year. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento