NEWS UPDATES

DTI Cot Provincial Office pinuri ang PGCot sa pagsusulong ng consumer rights

AMAS, Kidapawan City (Oct 26) – Ikinatuwa ng Dept of Trade and Industry Provincial Office ang aktibong pagsusulong ng Provincial Government of Cotabato ng karapatan at proteksyon ng mga konsumedores sa lalawigan.

Ayon kay Cot DTI Provincial Director Engr. Anthony Bravo, malaki ang papel ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa mga hakbang ng departamento upang itaguyod ang consumer empowerment.

Partikular na tinukoy ni Engr Bravo ang obserbasyon ng National Consumer Welfare Month ngayong Oktubre kung saan suportado ng Provincial Government of Cot ang DTI sa monitoring ng mga business establishment sa mga posibleng paglabag ng mga ito sa mga batas na nagtataguyod ng consumer rights and protection.

Nanawagan si Engr Bravo sa mga consumers na maging alerto at mapagbantay sa mga binibili at kung sakaling may reklamo laban sa establishments ay wag mag-atubiling ireport sa DTI.

Sinabi ng opisyal na patuloy ang DTI Provincial Office sa monitoring at inspection sa mga tindahan maging malalaki o maliliit upang matiyak na hindi umaabuso ang mga ito laban sa mga costumers.

Binigyang-diin din ni Engr. Bravo na kailangang makipag-ugnayan sa kanila ang mga nagrereklamong customers upang meron silang basehan sa pag-file ng anumang complaint laban sa mga abusadong negosyante.

Layon daw kasi ng DTI na matutunan at pahalagahan ng mga konsumedores ang kanilang mga karapatan bilang mamimili.


Tema ng National Consumer Welfare Month ngayong taon ay “Consumer Protection in the ASEAN Economic Community”. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento