NEWS UPDATES

Crisis Intervention Center for Women and Children, planung itatayo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 30, 2015) ---Suportado ng Lokal na pamahalaan ng Kabacan ang planung paglalagay ng Crisis Intervention Center for Women and Children ng Department of Social Welfare and Development Office.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Susan Macalipat na ‘dream come true para sa mga Kabakeños’ ang paglalagay ng nasabing center.

Ito ang magiging kanlungan ng mga kabataan at mga kababaihan na may problema sa batas kagaya ng ‘Children in conflict with the Law’ o CICL.

Ang nasabing Center ay itatayo sa Brgy. Katidtuan na may 600sq meters.

Naglaan naman ng pondo ang LGU sa inisyatiba ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ng abot sa P600,000 para sa counterpart ng LGU habang P1.7M naman ang ibinuhos na pondo ng DSWD mula sa Bottoms Up Budgeting o BUB, ayon kay Macalipat.


Sinabi ng opisyal na malaking tulong ang nasabing proyekto sapagkat nahihirapan silang ikustodi ang ilang mga may kahalintulad na problema na mga kabataan at kababaihan na hindi rin pwedeng maibaik sa kanilang pamilya. Rhoderick Beñez with report from Zhaira Sinolinding

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento