NEWS UPDATES

34-anyos, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 6, 2015) ---Patay ang isang 34-anyos na lalaki sa panibagong insidente ng pamamaril sa roundball ng Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 9:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Wendell Manubag Canadilla residente ng Digos City sa lalawigan ng Davao del Sur.

Agad namang tumakas ang suspek sa di malamang  direksiyon matapos ang insidente.

Narekober sa crime scene ang 2 empty shells ng caliber 9mm at 2 pang bala nito di pumutok na siyang ginamit ng suspek sa nasabing pamamaril.

Agad namang nagkasa ng hot pursuit operation ang PNP para tugisin ang mga suspek at mapanagot sa nasabing krimen.


Inaalam na ng Kabacan PNP kung may kinalaman sa droga ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento