NEWS UPDATES

3 bombers ng NGCP tower natimbog!

(Pikit, North Cotabato/ October 16, 2015) ---Tatlong lalaki na hinihinalang nasa likod ng pambobomba sa dalawang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kamakailan ang nasakote sa isang checkpoint sa Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa panayam ng DXVL News kinilala ni PInsp. Sindato Karim, pinuno ng Pikit PNPang mga nasakoteng suspek na sina Sam Hasan ng Datu Paglas, Maguindanao; Jonathan  Pangawilan at Kuyog Sultan.

Bandang alas-10 ng gabi nang masakote ang mga suspek matapos silang masabat lulan ng Kawasaki motorcycle (MG7541) sa checkpoint na inilatag ng RPSB sa Fort Pikit. 

Tinangka pang umiwas ng mga suspek subalit na nakorner na sila ng mga awtoridad at nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang granada, electrical wires at iba pang mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Magugunita na pinasabog ng mga armadong kalalakihan ang NGCP Tower 44 at 45 noong Oktubre 9 sa Pikit, Cotabato dahilan ng malawakang blackout sa Cotabato City at ilang bayan ng Maguindanao. Rhoderick BeƱez


1 komento: