NEWS UPDATES

Pagsaksak patay sa isang lalaki sa Kabacan, patuloy na iniimbestigahan

(Kabacan, North Cotabato/ September 2, 2015) --- Patuloy ang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa pagkamatay ng lalaking biktima ng pananaksak sa isang sakahan na nasa Purok National Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 8:30 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero hepe ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Vergilio Narvas Jr. nasa hustong gulang at residente ng Malvar St. ng nabanggit na bayan.

Nagtamo ng maraming saksak sa likurang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 1 stick ng More cigarette at isang kalo, kulay blue na may brand name na Puma. Agad namang tumakas sa direksyon ng Mantawil Street, Poblacion Kabacan ang  mga suspek matapos maisakatuparan ang krimen.


Samantala, napag-alaman na marami na umanong reklamo sa biktima matapos na ilang beses na rin itong paulitulit na nirereklamo sa Kabacan PNP dahil sa panloloob nito at pambabato sa mga kabahayan kasama na ang mga kamag-anak nito. Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento