NEWS UPDATES

Magpinsan patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ September 24, 2015) ---Patay ang magpinsan matapos na magtalo at humantong sa pamamaril sa panibagong krimen na naganap sa Sitio Matingao, Brgy. Malapag, Carmen, North Cotabato alas 5:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng CPPO ang biktima na si Abubacar Buto Adam, 57-anyos, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Habang kinilala naman ang pinsan nitong suspek na bumaril sa biktima na si Ting Adam Adta, 49-anyos  residente din ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat, habang naka-upo ang biktima sa detachment ng Cafgu ay nilapitan ito ng kanyang pinsan na si Ting at nagka-usap ang dalawa hanggang na nauwi sa pagkakainitan.

Dahil sa may dalang handgun ang suspek kanyang binaril ang kanyang pinsan na si Abubacar Buto na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad namang rumesponde ang mga CAA na nakaduty na pinasusuko ang suspek.

Pero sa halip na sumuko ay binaril nito ang mga CAA member dahilan kung bakit gumanti rin ng putok ang mga Cafgu kungsaan natamaan sa ulo ang suspek na naging dahilan ng kamatayan nito.

Narekober naman ng Carmen PNP sa tulong ng SOCO team sa crime scene ang isang caliber .45, 2 magazine, pitong mga bala at ang wallet ni Adam at iba pa.


Agad namang inilibing ang dalawa batay sa nakaugaliang tradisyon ng mga Muslim. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento