NEWS UPDATES

Korina Sanchez, panauhing pandangal sa 63rd Founding Anniversary ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2015) ---Ang batikang mamamahayag ng ABS-CBN na si Miss Korina Sanchez ang magiging panauhing pandangal para sa 63rd Founding Anniversary ng Pamantasan ng Katimungang Mindanao, bukas.
Ito ang sinabi sa DXVL news ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia upang makasalamuha ng may bahay ni Presidentiable Mar Roxas ang mga constituents ng USM.

Alas 6:00 bukas ng umaga ay magkaroon ng Floral Offering sa bantayog ni Bai Fatima Matabay Plang, ang founder ng USM at parade susundan naman ng foundation anniversary program alas 8:00 ng umaga na isasagawa sa USM gymnasium.

Inaasahan ding darating sa programa ngayong umaga si Gov. Lala Talino Mendoza, 3rd District Rep. Jose ‘Ping-ping’ Tejada, Representatante ni Mayor Herlo Guzman Jr., at si Kapitan Dominador Mike Remulta.

Kaugnay nito, gagawaran naman ang anim na mga awardee na mga alumni ng USM batay sa iba’t-ibang larangan kungsaan namayagpag ang mga ito.


Samantala, Planu naman ng Provincial Government na suportahan ang Pasiklaban sa USM dahil sa nakikitang suporta ng komunidad, isa ito sa magiging regular event para maginmg tourist attraction sa lalawigan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento