NEWS UPDATES

Ika-70 buwan ng Maguindanao Massacre, inalala ng mga mamamahayag sa Probinsiya

(North Cotabato/ September 24, 2015) ---Pinangunahan mismo ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP North Cotabato Chapter ang pag-gunita kahapon ng ika-70 buwan ng Maguindanao Massacre.

Ayon kay NUJP Kidapawan Chapter Chair Malu Manar nag alay ng panalangin at nag tirik ng kandila ang mga mamamahayag sa Kidapawan city upang gunitain ang karumal-dumal na pagpatay sa 59 katao karmihan ay mga kagawad ng media.

Inihayag din ng opisyal ang pinakahuling update kaugnay sa kaso ng Maguindanao Masaker.

Una ay ang petition of bail ng isa sa pangunahing akusado sa 2009 Ampatuan Massacre kungsaan ibinasura ang inihain ni dating ARMM Gov. Datu Zaldy Ampatuan na makapag-piyansa.

Mismong si Judge Jocelyn Solis Reyes ng Quezon City Trial Court RTC Branch 221 ang nag deny ng motion ng nakakatandang ampatuan na makapag-piyansa.

Pangalawa, tiniyak naman ng hukom na bago matapos ang taong ito ay matatapos na ang mag pagdinig sa kaso ng Maguindanao Massacre at makapagpalabas na ng hatol ang korte suprema.

Ito ang tiniyak ni Solis sa pamunuan ng NUJP na nagsusubaybay sa kaso ng Maguindanao Massacre.


Ang Maguindanao Massacre ay eksaktong 70 buwan na kahapon at mahigit 5 taon na matapos mangyari ang pagpaslang sa 59 katao karamhihan mga mamamahayag sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento