NEWS UPDATES

Engineer, pinagbabaril patay sa Pres. Roxas, NCot

(Pres. Roxas, North Cotabato/ September 4, 2015) ---Patay ang isang engineer makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga suspek sa bahagi ng Brgy. Illustre sa bayan ng Pres. Roxas, North Cotabato alas 5:40 kanina.

Kinilala ni PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ang biktima na si Engr. Nilo Centos nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Santo Nino sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo buhat sa Kidapawan City pauwi na sa kanilang bahay sa Arakan at pagsapit sa nasabing lugar ay pinagbabaril ito.

Naisugod pa sa bahay pagamutan ang biktima pero binawian din ito ng buhay.


Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung anu ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento