NEWS UPDATES

Color Coding sa mga tricycle sa Kidapawan City, hindi pa maipatupad ngayong taon

(Kidapawan City/ September 10, 2015) ---Hindi pa maipatupad ngayong taon ang color coding ng mga pampasaheron tricycle sa Kidapawan City.

Sinabi ni Federation of Kidapawan Tricycle Association  o FKITA President Jeniric TaƱala na maliban sa mahal na gastos sa repainting wala rin silang nakikitang malaking impact na mabibigay ng Unified Color Coding partikular sa usapin ng public safety.


Dahil dito, napagkasunduan ng kanilang asosasyon na by zoning ang gagawing color coding at hindi unified system ang ipapatupad kung saan isang kulay lamang ang gagamitin ng lahat ng mga tricycle na babyahe sa Kidapawan city.

Kung sakaling, maaprubahan ito, ipapatupad na ang color coding sa susunod na taon.

Sa ngayon, patuloy na tinatapos ng FKITA at ng Committee on Transporation sa Sanguiang Panlungsod ang mga probisyon na isasali sa ordinansa para bago matapos ang taon maihain na ito at maaprubahan sa konseho.

Ang bayan ng Kabacan, ang unang nagpatupad ng color coding sa North Cotabato at sinundan ito ng iba pang mga bayan gaya ng Pikit, Carmen, Matalam at Makilala.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento