NEWS UPDATES

2 tulak droga, huli sa drug buy bust operation ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2015) ---Arestado ang dalawa katao sa isinagawang buy bust operation ng Kabacan PNP sa bahagi ng Mantawil St., Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato mag-aalas 4:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina John Pex Puti Takulang ‘alias’ Alimudin, 29-anyos, may asawa at tricycle drayber habang huli din si Ariel Mamaril Gaspar, 34-anyos, magsasaka residente ng Tomas Claudio St., kapwa sa nabanggit na lugar.

Narekober mula kay Takulang ang isang P1,000 Peso bill bilang marked money, isang heat sealed Plastic sachet mula sa isinagawang buy bust operation bukod pa sa 3 mga heat sealed sachet na balak pa sanang ibenta.

Habang isinasagawa ang operasyon ay nahuli din nila ang isang suspek na si Gaspar kungsaan narekober sa kanya ang ilang mga drug paraphernalia’s.


Sa ngayon, kalaboso ang dalawa sa Kabacan PNP lock up cell habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito, ayon kay Senior Inspector Cordero. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento