NEWS UPDATES

Water Laboratory ng Biodept-CAS, USM nilooban, Laboratory Equipment natangay

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2015) ---Pinasok ng mga di pa kilalang kawatan ang water laboratory ng Department of Biology ng College of Arts and Sciences, USM Compound.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, dakong alas 7:30 na kahapon ng umaga nang matuklasan ng isang empleyado na kinilalang si Julie Salasal, 48 anyos, dalaga, na residente ng USM Compound na nalooban na ang nasabing laboratoryo.

Sinira umano ng mga kawatan ang glass window ng nasabing opisina at sinira rin ang padlock.

Natangay ng mga suspek, isang unit na Fisher Model Bacti-Cinerator at isang Microscope charger na patuloy pang inaalam ang halaga.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng Kabacan PNP ang nasabing insidente.

Nanawagan naman si CAS Dean Dr. Evangeline Tangonan na kung maaari ay ibalik na lamang ang kinuhang parte ng aparatu, sapagkat hindi naman ito pwedeng magamit para sa mga ordinaryong gawain.

Maliban pa sa panganib na posibleng idulot nito sa kalusugan lalo na kung hindi eksperto ang gagamit.

Ang naturang aparatu ay ginagamit sa pamatay ng bacteria sa tubig na nakakasira ng parte ng katawan dahil sa taglay nitong radiation.

Bukas ang himpilan ng DXVL FM radyo ng bayan para sa inyong pagmamagandang loob na maibalik ito o di kayay etext kami kung saan ninyo iiwan.

Sa panig naman ng Kabacan PNP, malaki ang paniniwala nilang posibleng inside job ang nasabing insidente. Mark Anthony Pispis


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento