NEWS UPDATES

Retiradong Sundalo, patay sa panibagong pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ August 13, 2015) ---Patay ang isang retiradong sundalo matapos pagbabarilin ng riding tandem sa purok 3, Himulatan Subivision, brgy. Lanao Kidapawan City pasado alas 6:00 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Daniel Paalisbo, 51-anyos,at isa ring tricycle driver na taga Purok 5 sa nabanggit na lugar.

Pinarado ng biktima ang kanyang tricycle para sunduin ang kanyang pamangkin ng pagbabarilin ng dalawang armadong suspek ng malapitan.

Patay on the spot ang biktima.

Pero bago ang insidente nagkaroon pa umano ng pagtatalo ang biktima sa mga suspek dahilan para tumakbo ito at pagdating sa madilim na bahagi ng Purok 3 dito na siya pinagbabaril ng gunmen gamit ang di pa matukoy na uri ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo at ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang krimen.

Inaalam na ngayon ng PNP ang motibo sa pamamaril at tinutugis na ang mga suspek sa nasabing insidente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento