NEWS UPDATES

Reklamo sa Video K Bar sa isang inuman sa bayan ng Kabacan, pinasinungalingan ng may-ari

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2015) ---Iginiit ng may-ari ng Fashionista Bar sa USM Avenue Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan na paninira lamang sa kanyang negosyo ang mga reklamong ipinapaabot sa kanyang inuman.

Ayon kay Magdalena Limos ang may-ari ng nasabing inuman sa panayam ng DXVL News Team, na sinusunod niya ang ordinansa ng Brgy. Poblacion Council hinggil sa mga videokehan na kapag lumalagpas na sa alas 10:00 ng gabi ay kanya na itong pinapahinaan.

Dahil sa lasing umano ang kanyang mga kostumer kapag sumapit na ang nasabing oras ay kanya lamang umanong tina-timing ang pagpapahina nito.


Sa katunayan ay nilagay na niya sa loob ng kanyang videoke machine ang volume nito nang hindi na mapalakasan kapag napahinaan na niya.

Nakapaskil din umano sa kanyang establisyemento ang kopya ng nasabing ordinansa pati narin ang mga numero ng mga kinauukulan kagaya ng Kabacan PNP kung sakali mang may gulong mangyayari.


Una rito ay nakatanggap ng reklamo ang DXVL FM na maingay umano ang videokehan sa nasabing bar pagkalagpas ng alas 10 ng gabi kungsaan nakaka-perwisyo sa mga residente sa palibot ng nasabing establisiemento. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento