NEWS UPDATES

Paniningil ng sobra-sobra ng Kabacan LTO re: ownership fee at pag-claim ng bagong plaka, itinanggi

(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2015) ---Pinasinungalingan ng pamunuan ng Kabacan Land Transportation Office o LTO District ang mga reklamo kaugnay sa sobrang panininingil ng LTO Kabacan sa mga kliyente ng kanilang ahensya.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Kabacan LTO District head Ansari Sumpingan na walang katotohanan ang lahat ng reklamo sa kanya.

Paliwanag pa ni Sumpingan na hindi totoo na naniningil sila ng abot sa P3,500 pesos sa halip na P226 pesos sa plain transfer ng sasakyan o ang ownership fee.


Ipinaliwanag rin ng opisyal na dalawang klase kasi ang transfer transaction sa LTO.

Dagdag pa ni Sumpingan na kung may renewal umano, ang babayaran ng kliyente ay ang renewal registration lamang ng sasakyan.

Itinanggi rin ng kawani ang reklamo na naniningil sila ng highway patrol clearance kung kaya’t umabot ng mahigit tatlong libo ang binabayaran.

Ayon sa opisyal ay wala silang authority na maningil ng highway patrol clearance at ang dapat na mainingil nito ay ang highway patrol group ng PNP.

Samantala nilinaw din ni Sumpingan kung magkano ang babayaran sa Student Permit o SP.

Batay sa ilang reklamo at sumbong na ipinarating ng ilang mga kakunektado na nagtext sa DXVL Radyo ng Bayan kaya malaki ang binabayaran nila sa LTO dahil sa mga fixers sa loob ng ahensiya.

Mariin namang pinabulanan ito ng opisyal.


Itinanggi rin ni Kabacan LTO head Sumpingan ang reklamo na naniningil pa sila ng karagdagang 150 pesos kung magki-claim ng bagong LTO plate number na walang resibo. Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento