NEWS UPDATES

Miyembro ng Bayan Muna partylist, pinagbabaril patay

Photo Courtesy From: A. Francisco FB
(Arakan, North Cotabato/ August 18, 2015) ---Bulagta ang isang miyembro ng Bayan Muna Partylist makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Brgy. Naje bayan ng Arakan, North Cotabato alas 9:15 kaninang umaga.

Kinilala ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PCI Bernard Tayong ang biktima na si Joel Hernal Gulmatico, 58-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa inisyal na ulat na sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo na isang XRM kulay pula at may plakang YC 4481 pauwi ng kanilang bahay ng ratratin ng di pa nakilalang suspek na riding tandem.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ang biktima ay aktibong miyembro ng Bayan Muna, APPO, ASPO at TIKULPA.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Arakan PNP para alamin ang totoong motibo sa nasabing krimen. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento