NEWS UPDATES

Dispatcher ng Van na pinatay sa Kidapawan city, nakuhanan ng illegal na droga

(North Cotabato/ August 24, 2015) ---Inaalam pa ngayon ng pulisya kung sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang isang dispatcher ng van na pinagbabaril patay sa overland terminal Kidapawan City pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon.

Sa ulat na nakarating kay Supt. Franklin Anito, hepe ng Kidapawan City PNP kinilala ang biktima na si Junaire Panyaman Amuage, 56 anyos , dispatcher ng SUV Bound for Davao City na taga Talisay Street ng lungsod.

Apat na tama ng bala mula sa kalibre .45 na pistol ang tinamo ni Amuage sa kanyang batok na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan base na rin sa narekober sa crime scene.

Ayon kay Anito sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo papunta na sana sa Overland Terminal pero pagdating nito malapit sa bahay ng isang Mildred Acino ay dito na siya pinagbabaril ng mga nakaabang sa kanyang mga di pa kilalang suspek.

Agad namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon matapos maisakatuparan ang masamang balakin.

Nabatid na narekober rin sa biktima ang apat na pakete ng pinaniniwalaang shabu na siyang tinututukan nila ngayon ng PNP na posibleng dahilan sa pamamaril.

Hindi rin isinasantabi sa imbestigasyon ng PNP ang onsehan sa droga.


Sa ngayon tinutugis na ng mga otoridad ang responsable sa krimen habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento