NEWS UPDATES

CAFGU patay sa panibagong aksidente sa Highway ng Makilala

(Makilala, North Cotabato/ August 25, 2015) ---Patay ang 46 anyos na kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU makaraang bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang pampasaherong van sa Davao-Cotabato National Highway partikular sa Sitio Caimito, Brgy Kisante, Makilala North Cotabato pasado alas 10 ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si Nilo Lauda Sr, at residente ng Brgy Cabilao, Makilala.

Sakay ang biktima sa kanyang motorisiklo galing sa Makilala at pagsapit nito sa kinukumpuning kalsada sa brgy. Kisante ay nagtangka itong mag overtake sa isa ring van at dito na niya nakabangga ang ka engwentrong Toyota D4D van na minamaneho naman ni Alfredo Eltagonde, 44-anyos na taga-Digos City.

Patay on the spot ang biktima. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento