NEWS UPDATES

Bangkay, natagpuan sa bayan ng Mlang

(Malng, North Cotabato/ August 26, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ang pagkakakilanlan ng isang bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa Purok Masipag, Brgy. Buayan, Mlang North Cotabato alas 2:00 na madaling araw kanina.

Ayon sa report ng Mlang PNP, nasa 30-35 anyos umano ang nasabing lalaki, medium body weight, 5’6 ang taas nito, at nakasuot ng kulay asul na T-shirt at stripe na short.

Nakuha sa posisyon ng biktima ang maliit na sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang improvised tooter.

Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng kalibre 45 na pistol.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mlang PNP, alas 12:30 ng madaling araw bago ang insidente ay maroon umanong narinig na putok ng baril sa ang narinig mula sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon ay patuloy ay pang iniimbestigahan ang nasabing insidente. Mark Anthony Pispis


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento