NEWS UPDATES

22-anyos na lalaki, huli sa illegal drugs sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 19, 2015) ---Arestado ng mga otoridad ang isang 22-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng illegal drugs sa Purok 1 Brgy. Kilada sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 5:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang suspek na si Esmael Lala Lumambas, 22-anyos residente ng Purok Islam, Poblacion ng nasbaing bayan.

Nakuha mula sa suspek ang ilang drugs paraphernalias kagaya ng isang transparent plastic sachet, improvised tooter mga lighters at iba pa.


Sa ngayon nasa kustodiya ng Matalam PNP ang suspek, ayon kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento