NEWS UPDATES

Suspek na responsable sa pagpatay sa Brgy. Kapitan sa bayan ng Carmen, North Cotabato, arestado ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2015) ---Patong-patong na kaso ngayon ang kakaharapin ng suspek na responsable sa pagbaril patay sa dating Kapitan ng Brgy. Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Ito matapos na inilabas ni Regional Trial Court RTC Branch 22 Presiding Judge Laureano Alzate ang Warrant of Arrest na may criminal case number 15-89 ngayong araw laban sa suspek na si Abdulkadir Pepican Salamat aka Tato Kamansali alyas Matitik, 42 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.


Si Mantitik ang itinuturong responsable sa pagpatay kay Brgy. Chairman Eliazar Pilapil alas 12:00 ng tanghali noong Enero a-5 ng kasalukuyang taon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Batumapo Cordero, OIC ng Kabacan PNP nabatid na bago nailabas ang warrant of arrest laban kay Matitik kanina ay una ng nahuli ang suspek dito sa bayan ng Kabacan noong nakaraang Huwebes July 2 dahil sa pagdadala nito ng baril na walang lisensiya.

Sinabi pa ni Cordero na sangkot din sa isang krimen sa pagbaril sa Pagalungan, Maguindanao ang suspek.

Sa ngayon, nasa Kabacan PNP lock-up cell ang suspek sahil sa kaso nitong illegal possession of firearms.

Naging malakas ang ebedensiya laban sa kanya makaraang tumugma ang serial ng baril na ginamit ng suspek sa pagpatay sa Kapitan ng Ugalingan sa bayan ng Carmen at ang nakuha sa kanya ng maaresto ditto sa bayan ng Kabacan si Matitik. Rhoderick BeƱez & Christine Limos



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento