NEWS UPDATES

Seguridad para sa Eid’l Fitr, inilatag na ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 10, 2015) ---Kasado na ang seguridad ng Kabacan PNP para sa pagtatapos ng pag-obserba ng Ramadan sa Hulyo a-17.

Ito ang pagtitiyak ni PSI Ronnie Cordero, ang OIC ng Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ito matapos na idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang Hulyo 17 na isang holiday bilang pakikiisa sa mga Muslim.

Sa bisa ng Proclamation 1070 ni Aquino ay isang regular holiday ang naturang araw para sa Eid'l Fitr ng mga Muslim.

Papatak sa araw ng Biyernes ang Eid'l Fitr kaya naman may long weekend na naman sa bansa.


Nakasaad sa Republic Act 9177 na gawing national holiday ang Eid'l Fitr. Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento