NEWS UPDATES

Mga Malaria Prone na Barangay sa bayan ng Kabacan, babahaginan ng Insecticide treated na kulambo

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2015) ---Abot sa isang libung mga kulambo ang ibabahagi sa ilang mga barangay sa bayan ng Kabacan na sinasabing may mataas na kaso ng malaria.

Ito ang inihayag ni Sanitary Inspector Naga Sarip ng Rural Health Unit ng Kabacan.

Kabilang sa mga barangay na mabibigyan ng long lasting insecticide treated na mosquito nets ay ang Barangay Nangaan, Simone, Simbuhay at Tamped.

Ayon kay Sarip na ang mga nabanggit na barangay ay may mataas na kaso ng malaria.

Una na ring nabahaginan ng nasabing kulambo ang barangay Pisan na abot sa 900 mga nets ang natanggap nila.

Tutungo naman ang team ni Sarip bukas sa barangay Nangaan upang mamahagi ng 1,000 kulambo.


Ang nasabing programa ay bahagi ng Department of Health o DOH Malaria Control Program na pinangungunahan ni RHU Malaria Coordinator Naga Sarip at ni Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu Jr. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento