NEWS UPDATES

Katiwala sa Palm Oil, pinaslang

(Carmen, North Cotabato/ July 21, 2015) ---Patay ang katiwala ng Palm Oil matapos na pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Sitio, Butuan, Brgy. Kibenes, Carmen, North Cotabato kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Darat Tenorio, 25- anyos, isang caretaker sa isang Palm Oil Plantation na pag mamayari ng isang Delfin Moreno.

Ayon sa report, natagpuan na lamang ang biktima na naliligo na sa kanyang sariling dugo habang tadtad ng tama ng bala ang buong katawan.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Carmen PNP ang motibo sa krimen at sa posibleng pagkakakilanlan sa suspek sa nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento