NEWS UPDATES

Kasong infanticide, kakaharapin ng inang nagtapon ng fetus sa ilog ng Mlang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Inilibing na ng otoridad ang limang buwang fetus na nakita nakita ng mga residente na palutang-lutang sa ilog sa Brgy Dugong, Mlang Cotabato

Sinabi ni PSI Jonameel Tonacao, hepe ng Mlang PNP, halos kumpleto na ang bahagi ng katawan ng babaeng fetus nang matagpuan ito.

Agad nilang inilibing ang nasabing fetus sapagkat nasa state of decomposition na ito ng makita.

Hinala ng pulisya na posibleng ipina-abort ang bata.

Dahil dito, iniimbestigahan na nila ang mga residente sa palibot kung may nagdadalang tao na nagluwal ng sanggol malapit sa ilog.

Sa ngayon nailibing na ang fetus sa Mlang Public Cemetery.

Kasong infanticide ang kakaharapin ng inang nagtapon ng fetus sa ilog. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento