NEWS UPDATES

51 mga District Supervisor sa North Cotabato, may mandatong suriin ang mga paninda sa School Canteen

(North Cotabato/ July 14, 2015) ---Nagpalabas na ng deriktiba ang Cotabato Schools Division head sa mga district supervisor na suriing mabuti ang mga pagkaing na ibinebenta sa mga school canteen sa kanilang nasasakupan.

Ginawa ng pamunuan ng Cotabato Division Head ang pahayag matapos ang magkahiwalay na insidente ng pagkaka-ospital ng mga bata matapos na makakain ng siopao at durian candy.


Ayaw na aniya ng opisyal na maulit pa ang nangyaring pagkalason sa mga estudyante sa Aleosan at maging ang insidente sa Kidapawan City.

Sa isinagawang pagpupulong ngayong araw kasama ang mga District supervisor, mandato ni Obas na suriing mabuti ng mga supervisor at tiyaking malinis ang mga ibibentang pagkain sa kanilang nasasakupan para sa kapakanan ng mga mag-aaral at guro sa mga eskwelahan.

Pansamantala namang ipinahinito ng opisyal ang pagdedeliver ng mga paninda sa school canteen sa brgy. Dualing Central Elementary School sa Aleosan, North Cotabato.

Matatandaaang, dinala sa Aleosan, District Hospital ang labing limang elementary pupils matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka dahil sa kinaing umano siopao.

Pero nilinaw naman nito na hindi pa nila makumpirma sa ngayon kung ang nabanggit na pagkain ba ang tunay na dahilan nito. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento