NEWS UPDATES

4 patay sa dengue sa lalawigan ng North Cotabato

(North Cotabato/ July 2, 2015) ---Nasa apat katao na ang nasawi dahil sa kumplikasyon ng dengue sa North Cotabato.

Ito ayon kay Dra. Eva Rabaya, ang pinuno ng Integrated Provincial Health Office.

Napag-alaman na dalawa sa nasawi ay buhat sa bayan ng Alamada at tig-i-isa sa Aleosan at Midsayap.

Sinabi pa ng opisyal na higit isang libo na ang kaso ng dengue na naitala sa Cotabato mula buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Ang naturang bilang, ayon sa data ng IPHO Cotabato, ay higit 20 porsientong mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

Batay sa kanilang datos, nangunguna ang bayan ng Midsayap sa may pinakamaraming kaso ng dengue. 

Sumunod rito ang Kidapawan City at pangatlo ang Tulunan.

Dagdag pa ng IPHO Chief na patuloy ang monitoring nila sa mga kaso ng dengue sa iba’t ibang mga ospital sa lalawigan. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento