NEWS UPDATES

2 katao, huli sa pagdadala ng di lisensiyadong baril sa bayan ng Matalam

(Kabacan, North Cotabato/ July 27, 2015) ---Arestado ang dalawa katao makaraang mahulihan ng di lisensiyadong baril sa inilatag na checkpoint sa bahagi ng Brgy. Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 12:40 kahapon ng tanghali.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga suspek na sina Boracay Salido, 21-anyos, magsasaka at residente ng Purok 7, Brgy. Kilada, Matalam at si Merna Mama Salido, 31-anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.

Narekober mula kay Boracay ang isang kalibre .45 na pistol, 17 mga bala nito habang nakuha din sa kanayng tiyahin ang isang Caliber 9MM pistol.

Nahuli ang dalawa matapos makatanggap ng report mula sa Provincial Intelligence Branch ng Cotabato Police Provincial Office  ang Matalam PNP na may ipupuslit na shabu buhat sa bayan ng Kabacan papuntang Matalam.

Dahil dito, agad na inalerto ang checkpoint area sa may panulukan ng COSUSECO na nasa Poblacion Matalam na pinangunahan ni PI Mautin Mangandigan ang Deputy Chief of Police ng Matalam PNP.

Naaresto nila ang dalawa katao na sakay ng MIO Yamaha Scooter kulay dilaw na may temporary plate number na 120102 matapos na may salikbit na armas ang mga ito.

Nang hanapan ng kaukulang dokumento, bigong makapag-presinta ang mga ito.


Sa ngayon, kalaboso ang magtiyahin sa Matalam PNP lock-up cell dahil sa pagdadala ng di lisensiyadong baril, ayon kay SPO1 Froilan Gravidez. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento