NEWS UPDATES

Tulak droga, tiklo ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 27-anyos na sinasabing tulak droga makaraang mahulihan ng shabu sa inilatag na kampayan ng Matalam PNP laban sa illegal na droga sa Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 5:20 ng hapon noong Biyernes.

Kinilala ni SPO4 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang suspek na si Ernesto John Suenan, 27-anyos, residente ng Bonifacio Street, Poblacion, Matalam, North Cotabato.

Ayon sa report ng Matalam PNP, huli sa akto ang suspek na may dalang 1 medium size heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon ay nakapiit sa Matalam PNP Lock-up-cell ang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Christine Limos



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento