NEWS UPDATES

Notoryos na tulak droga sa Kidapawan city, timbog!

(Kidapawan city/ June 11, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang isang pinaniniwalaang bigtime illegal drug courier sa isinagawang drug buy bust operation sa Kidapawan City, Martes ng gabi.

Batay sa report, matapos tanggapin ng suspek na si Erlindo Chio, Plaridel St., Kidapawan City ang marked money mula sa PDEA agent hindi na nakapalag pa ang suspek ng agad na hulihin ng mga otoridad.

Narekober mula sa kanyang bulsa ang isang malaking sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Abot sa P35,000 ang market value ng nasabing illegal na droga.

Sa ngayon, kakaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento