NEWS UPDATES

Mekaniko, utas ng mabangga sa roundball

(Kidapawan city/ June 25, 2015) ---Patay ang isang mekaniko matapos na aksidenteng mabangga sa roundball sa crossing Sudapin, Kidapawan City ala 1:00 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni PInsp. Samuel Bascon ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Jonathan Padro, 30- anyos, na taga Brgy. Lanao, Kidapawan.

Lumalabas sa inisyal na pagsisisyasat na minamaneho ng biktima ang kanyang kulay pula na XRM Motorcycle nang mawalan ng kontrol ang kanyang minamanehong motorsiklo dahilan para bumangga ito sa roundball sa nabanggit na lugar.

Mabilis pang naisugod  ng mga otoridad sa pagamutan ang biktima subalit ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Dahil dito, nagpaalala ngayon ang mga otoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho ng kanilang mga sasakyan. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento